WALANG TRAVEL TAX

TRAVEL TAX

APRUBADO na sa ikatlo at hu­ling pagbasa sa Kamara ang panukala na maglilibre sa pagbabayad ng travel tax ng mga dependent ng overseas Filipino workers (OFWs).

Sa botong 171 na pabor at walang pagtutol ay pinagtibay ang House Bill 6138 na nagbibigay ng travel tax exemption sa mga dependent ng kasal o solo parent na OFW.

Inaamyendahan ng panukala ang Republic Act 8042 o ang Migrant Wor­kers and Overseas Filipinos Act of 1995 kung saan ang exempted lamang sa tra­vel tax ay ang mga anak ng may asawang migrant workers.

Bukod sa travel tax, magiging ­exempted na rin ang mga dependent ng OFWs sa documentary stamp tax bilang airport fee.

Itinutulak din ng panukala na ma­ging pantay ang pribilehiyo sa mga OFW bilang sukli na rin sa malaking kontribus­yon ng mga tinaguriang bagong bayani sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.  CONDE BATAC

Comments are closed.