IPINAGPALIBAN ng west zone concessionaire Maynilad Water Services Inc. ang pagtataas sa kanilang singil sa susunod na taon.
Sa isang statement, tinukoy ng Maynilad ang nagpapatuloy na COVID-19 pandemic bilang dahilan ng pagpapaliban sa water rate hikes sa 2021.
“During these difficult times when no one is spared the economic impact of the COVID-19 pandemic, Maynilad is one with the government in finding ways to help our countrymen make the situation more manageable,” pahayag ng kompanya.
“In this regard, Maynilad is forgoing the rate increases it is qualified to implement in the coming year—specifically the already-approved rebasing adjustment for 2021, as well as the mandated CPI (consumer price index) inflation increase for the year,” dagdag ng Maynilad.
Ang Maynilad ay kasalukuyang nagseserbisyo sa mga customer sa mga lungsod ng Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Manila, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Quezon, at Valenzuela.
Nagkakaloob din ito ng serbisyo sa ilang lugar sa Cavite tulad ng mga lungsod ng Bacoor, Cavite, at Imus; at mga bayan ng Kawit, Noveleta, at Rosario.
“With this deferral, Maynilad hopes to alleviate the day-to-day struggles of its customers as they and the whole country strive to recover from adversity and rise stronger than before, ready to start anew,” ayon pa sa Maynilad.
Comments are closed.