PALAWAN- INARESTO ng pinagsanib na mga tauhan ng national Bureau of Investigation (NBI) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang apat na Chinese at isang Taiwanese dahil sa pagtratrabaho ng walang mga kaukulang permit mula sa pamahalaan sa lalawigang ito.
Ayon kay Fortunato Manahan, Jr.,hepe ng BI Intelligence Division na naaresto ang mga ito sa magkakahiwalay na operasyon sa tatlong barangay sa Palawan na kinabibilangan ng Barangay Bucana ng El Nido, Limmnangcon ng Taytay at Tagburos ng Puerto Princesa.
Batay sa report na nakarating sa opisina ng ahensiya, unang naaresto sina Lin Yongzhen, 45- anyos at Zhang Haicong, 49-anyos, at sumunod sina Zhang Haicong, 33- anyos at isang 58-anyos na Taiwanese na si Lin Tsung-Te.
At sa pangatlong operasyon, nasakote ang Chinese na si Zhang Jinfei, 47-anyos kung saan nagtratrabaho ito ng ibat-ibang kumpanya sa Puerto Princesa.
Sa ilalim ng Immigration law, ipinagbabawal sa mga dayuhan na magtrabaho sa magkakaibang kumpanya , kahit may working visa.
Ayon sa report ang limang dayuhan ay konektado sa isang fisheries firm malapit sa Naval Bases at nadiskubre konektado ang mga ito sa isang Palawan-based organized Chinese crime group na pinaniniwalaan kasangkot sa illegal activities sa area. FROILAN MORALLOS