INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Superintendent Joselito T. Esquivel Jr. na ang mga tauhan nito sa QCPD ay hindi maaaring sumali o makisali sa pagkakaton ng Yuletide break sapagkat ide-deploy ang mga ito upang panatilihin ang public safety at seguridad ng publiko bago sumapit ang Christmas at New Year.
Ayon pa kay Esuivel, mas maraming pulis ang makikita sa mga lansangan lalo na sa mga lugar kung saan ay matao katulad na lamang sa mga transportation terminals, markets, malls, at iba pang business establishments at maging sa mga simbahan na kinaugalian na ang magsagawa ng “Simbang Gabi”.
Sa kabila ng pagpapatibay ng seguridad lalo sa panahon ng Kapaskuhan, patuloy ang regular na anti-illegal drugs at anti-criminality operations sa Quezon City at mananatili itong full force.
“I called on the public to be always vigilant in their surroundings and to report promptly suspicious persons or things for appropriate action. He also encouraged anyone who witnessed a crime to report to the nearest police station or precinct,” ayon kay Esquivel.
“Ang QCPD ay palaging naka-alerto lalong-lalo na ngayong Kapaskuhan. Alam naman po natin na tuwing ganitong panahon ay nagkalat din ang mga masasamang loob. Kaya pinaigting natin ang ating seguridad. Nais po nating masiguro ang kaligtasan ng bawat pamilya at ma-enjoy po nila ang kanilang pagsasama at bakasyon, ngayong Kapaskuhan hanggang sa pagsalubong ng Bagong Taon,” dagdag pa nito. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.