#WALANGPASOK: AGOSTO13

#WALANGPASOK

DAHIL sa pagkalubog ng kanilang mga lugar, inanunsiyo ng bawat alkalde ang class suspension ngayong araw at una sa nag-abiso na all level suspension ay ang pamahalaan ng Marikina City, Quezon City, Parañaque City, Malabon City, Navotas City at Valenzuela City.

Sa mga probinsiya, walang pasok sa lahat ng antas sa Pampanga; sa Pangasinan, Binmaley at Lingayen; sa Rizal, walang pasok all levels sa Rodriguez, Tanay, Taytay, at San Mateo; sa Zambales ay wala ring pasok all levels sa Botolan, Iba at Masinloc.

Nag-abiso rin na walang pasok ang University of Sto. Tomas sa Sampaloc, Maynila, Central College of the Philippines at  UP-Diliman sa Quezon City.

Wala ring pasok sa buong lalawigan ng Benguet maliban sa Baguio City at sa Bulacan, ang mga bayan na nagdeklara ng class suspension ay ang Balagtas, Baliuag, Bocaue, Bustos, Calumpit, Guiguinto, Hagonoy, Malolos, Marilao, San Jose del Monte City, Meycauan, Obando, Paombong at Puli-lan.

Inaasahan din na madaragdagan ang mga lugar na magkakansela ng klase.  PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.