‘WALK-INS’ SA VACCINATION SITES APRUB SA DILG

PINAYAGAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga ‘walk-in’ sa mga lugar ng bakunahan kontra COVID-19, basta sundin lamang ang ipinatutupad na ‘minimum public health stan­dards’ ng pamahalaan.

Ito ang naging pahayag ni DILG Assistant Secretary Odilon Pasaraba bilang reaksiyon sa desisyon ni Manila Mayor Isko Moreno na magpatupad ng ‘open policy’ sa pagbabakuna o pagtanggap ng ‘walk-in vaccinees’ upang mapabilis ang COVID-19 vaccination sa lungsod.

Nauna rito, umani ng batikos ang natu­rang polisiya ng Manila City government sanhi upang magpatupad ng ‘no walk-in policy’ noong Lunes sa lungsod.

Pero nang langawin ang mga vaccination sites sa lungsod at sa 28,000 katao na tinext upang mabakunahan ay 4,900 lamang ang dumating, pagsapit ng hapon ay nagdesisyon na si Moreno na muling ipatupad ang ‘open po­licy’ kaya’t umabot pa sa mahigit 18,000 katao ang nabakunahan nila.

Ayon naman kay Pasaraba, welcome sa kanilang tanggapan ang anumang aksiyon ng lokal na pamahalaan para palakasin ang COVID-19 vaccinations sa kanilang nasasakupan.

“DILG Secretary Eduardo Año encoura­ges local chief executives to develop strategies to ramp up vaccination. Hence, any strategy done without offending our established health and vaccination protocols is welcome,” Ani Pasaraba sa Laging Handa briefing nitong Miyerkules.

Sinabi ni Pasaraba na naglabas na si Secretary Año ng memorandum circular kung saan hinihikayat ang local chief executives na bumuo ng mga istratehiya para pabilisin ang vaccination sa kani-kanilang nasasakupan.

“Henceforth, any strategy na makakatulong sa national government agency without offending our established health protocols and essential protocols sa vaccination is a welcome strategy,” paliwanag ng DILG official. EVELYN GARCIA

3 thoughts on “‘WALK-INS’ SA VACCINATION SITES APRUB SA DILG”

  1. 702072 18262Youll uncover some fascinating points in time in this post but I do not know if I see all of them center to heart. Theres some validity but I will take hold opinion until I appear into it further. Wonderful post , thanks and we want a lot more! Added to FeedBurner too 533687

Comments are closed.