WALK-INS SA VAX SITES BUKAS SA PRIORITY GROUP

TUMATANGGAP na ng walk-ins ang lahat ng vaccination sites sa Pasay napapabilang sa lahat ng priority groups para sa kanilang unang dose ng baksinasyon.

Napag-alaman sa Pasay City Public Information Office (PIO) kung saan sinabi ng City Health Office (CHO) na tatanggap lamang ang vaccination sites ng walk-ins na mga senior citizens, adults with comorbidities at persons with disabilities (PWDs).

Ayon sa PIO, ang mga nais magpabakuna ay maaaring bumisita sa kanilang opisyal na Facebook page para sa kanilang kaalaman kung saan ang bukas na vaccination sites.

Nabatid na nakapagturok na ang lokal na pamahalaan ng kabuuang 468,736 vaccines sa ilalim ng programang “Vacc to the Future” ng lungsod nito lamang Setyembre 20.

Sa mga napapailalim naman ng mga kategoryang A1 hanggang A5 ay mayroon ng 257,167 indibiduwal ang nabakunahan ng unang dose habang 220,519 indibiduwal naman ang tumanggap na ng ikalawang dose na matatawag na mga fully vaccinated na. MARIVIC FERNANDEZ

18 thoughts on “WALK-INS SA VAX SITES BUKAS SA PRIORITY GROUP”

  1. I’m really enjoying the theme/design of your site.
    Do you ever run into any web browser compatibility problems?
    A few of my blog readers have complained about my blog not operating correctly in Explorer
    but looks great in Safari. Do you have any advice to help fix
    this issue?

Comments are closed.