(Ika-huling Bahagi)
XI. Ang Pagkilala kay Maria bilang Ina ni Hesus (Lc 11: 27)
Pagbasa
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Habang nagsasalita si Hesus, may isang babaing sumigaw mula sa karamihan, “Pinagpala ang babaing nagbuntis at nag-alaga sa iyo.” Ngunit sumagot siya, “Higit na pinagpala ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!
Pagninilay
Totoong mapalad at pinagpala si Maria sa pagtanggap na maging ina ni Hesus at sa pagsang-ayon sa plano ng Diyos. At dahil dito, kinilala at pinahalagahan natin si Maria bilang natatanging babae at nilalang ng Diyos na nagpamalas ng gayun na lamang na pananalig sa Kanya. Sa kanyang buhay, ang pagiging mapalad ni Maria ay sumasalamin sa buo niyang pagkatao dahil ang Diyos mismo ang naghanda nglahat ng ito, at ang pakikiisa at pagsang-ayon ni Maria ang naging katuparan ng lahat. Kaya naman, maging ang sinabi ni Hesus ay walang pinagkaiba sa salaysay ng babaeng nasa madla patungkol kay Maria dahil siya rin mismo ang tinutukoy ni Hesus. Ang halimbawa ni Maria ay isang hamon sa atin ngayon kung paano rin natin makakamit ang pagpapala ng Diyos. Maaabot lamang natin ito kung tutugon at tatalima tayo sa plano ng Diyos at magiging tapat sa Kanya.
XII. Ang Paghabilin ni Hesus Kay Maria sa Kanyang Minamahal na Alagad (Jn 19: 26-27)
Pagbasa
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Nang makita ni Hesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi niya sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, pinatira ngalagad na ito sa kanyang bahay ang ina ni Hesus.
Pagninilay
Mula sa bilin ni Hesus, ang pagiging ina ni Maria ay lumawak dahil sinaklaw din nito ang pagiging ina at pagturing na mga anak sa sinumang naniniwala kay Hesus. Ang bilin sa paanan ng krus sa Kalbaryo ay bilin ng pagkakatiwala kay Maria ng panibagong misyon na hindi lamang sa pagiging ina ni Hesus kundi sa pagiging ina rin ng sangkatauhan, isang napakahalagang papel na katulad noong una ay buong puso pa rin niyang tinanggap. Dahil dito, tayong mga Kristiyano ay mapalad dahil ang ating nararanasan magpahanggang sa kasalukuyan ay ang patuloy na pagpaparanas ng maka-inang paglingap ni Maria na sa kanyang pamamagitan ay nailalapit niya kay Hesus ang ating panalangin at gayundin naman sa ating suliranin at pagsubok sa buhay, tayo ay nabibigyan ng kapanatagan at ginhawa dulot ng kanyang inspirasyon at panalangin para sa ating kapakanan. Ginampanan ni Maria ang pagiging ina nating lahat dahil sa kagustuhan ni Hesus na maranasan din natin kung paano siya ninaruga at pinalaki ni Maria. Atin nawang pagyamanin at laging sariwain ang karanasang ito habang tayo ay nabubuhay. Mapanatili nawa natin sa ating buhay ang kanyang paglingap at lagi nawa tayong lumapit sa kanya.
XIII. Ang Pagkamatay ni Hesus (Jn 19: 28-30)
Pagbasa
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Alam ni Hesus na naganap na ang lahat ng bagay. Kaya’t upang matupad ang kasulatan ay sinabi niya, “Nauuhaw ako!” May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Inilubog nila rito ang isang espongha, ikinabit iyon sa isang tangkay ng hisopo at inilapit sa kanyang bibig. Pagkatanggap ni Hesus ng alak, sinabi niya, “Naganap na!” Iniyuko niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.
Pagninilay
Masakit tanggapin bilang ina na makitang nagdurusa ang iyong anak hindi lamang dulot ng mga sugat sa kanyang katawan kundi maging ng paghamak at pagtutuya ng mga tao. Lalo’t higit na masakit na sa kanyang mga kamay at kandungan hahandusay ang walang buhay na katawan ng kanyang anak mula sa pagkakapako sa krus. Sa harap ni Maria, dala ng labis na paghihirap, namatay si Hesus. Ito ang karanasan ni Maria. Isang tanong marahil ni Maria sa kanyang sarili: “Saan ako nagkamali sa aking pagpapalaki sa Kanya?” Dahil walang sinuman ang naghahangad na sa ganitong sitwasyon matatapos ang lahat. Gaano man niya iniligtas at inilayo sa kapahamakan si Hesus, hindi niya nagawang itakas si Hesus sa pagkakapako at pagkamatay sa krus. Nanatiling tapat at bukas si Maria sa plano ng Diyos, ang pagdaan sa kalagayang ito ay hindi rin naman naiiba sa kanyang pinagdaanan noon lalo nang dalhin niya sa kanyang sinapupunan si Hesus.
XIV. Ang Pananalangin ng mga Alagad kasama si Maria (Gawa 1: 12-14)
Pagbasa
Pagbasa mula sa Gawa ng mga Apostol
Nagbalik sa Jerusalem ang mga apostol buhat sa Bundok ng mga Olibo, na halos isang kilometro ang layo sa lungsod. Pagdating sa bahay na kanilang tinutuluyan, umakyat sila sa silid sa itaas. Sila ay sina Pedro, Juan, Santiago, Andres, Felipe, Tomas, Bartolome, Mateo, si Santiago na anak ni Alfeo, si Simon na Makabayan, at si Hudas na anak ni Santiago. Lagi silang nagsasama-sama upang manalangin kasama ang mga babae at si Maria na ina ni Hesus, gayundin ang mga kapatid ni Hesus.
Pagninilay
Nagpatuloy ang buhay ni Maria sa piling ng mga tagasunod ni Hesus. Kung anuman ang kanyang mga isinapusong karanasan noon ay unti-unti na niyang naibabahagi ngayon bilang tagapagpatotoo ng lahat patungkol kay Hesus. Marami siyang mga karanasan na lalong nagpalalim sa pananalig ng mga tagasunod ni Hesus. Bunga nito, mula noon hanggang sa kasalukuyan, tulad natin, tayo ay naging mga Kristiyano. Ang makainang paglingap ni Maria ay naipadama rin niya sa kanila lalo na sa panananalangin. Ang naging buhay ni Maria dito sa lupa ay tunay ngang makabuluhan at makahulugan. Pinakita nito na ang pagsunod sa kalooban ng Diyos kung taos-puso at buong kalooban nating yayakapin at tutuparin ay dadalhin tayo sa isang banal na buhay. Marami mang pinagdaanang pagsubok si Maria, sa bandang huli, ang kanyang mga karanasan ay nagpapatunay pa rin ng pag-iral ng Diyos dahil si Maria ay tunay na pinagpala. Kaya naman, ang paanyaya sa atin ay pagsumikapang tularan ang mga halimbawang ipinakita ni Maria, kung paano siya nabuhay at kung paano rin siya nakibahagi sa plano ng Diyos.
605398 828783What would you recommend about your post that you simply made a few days in the past? Any positive? 654642
184754 10350Beneficial info and superb design you got here! I want to thank you for sharing your concepts and putting the time into the stuff you publish! Fantastic function! 396446
312842 684873This style is spectacular! You naturally know how to keep a reader amused. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own blog (properly, almostHaHa!) Amazing job. I really enjoyed what you had to say, and more than that, how you presented it. Too cool! 213469
817893 183365I take great pleasure in reading articles with quality content material. This write-up is one such writing that I can appreciate. Maintain up the excellent work. 560308
627649 64395Safest messages, or a toasts. are generally launched at one point during the wedding but are likely to just be hilarious, humorous to unusual as nicely. very best man jokes 921554
78427 306395This style is steller! You definitely know how to maintain a reader entertained. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own blog (properly, almostHaHa!) Amazing job. I genuinely enjoyed what you had to say, and more than that, how you presented it. Too cool! 379040
153766 90000Register a domain, search for available domains, renew and transfer domains, and decide on from a wide variety of domain extensions. 791463
699362 902589Basically received my 1st cavity. Rather devastating. I would like a super smile. Seeking a great deal much more choices. Many thanks for the article 372043