MAITUTURING na mga “bagong bayani” ang healthcare workers sa kasalukuyang panahon.
Sila kasi ang gumaganap ngayon ng mabigat na tungkulin sa gitna nang pandemya.
Laging nasa peligro ang kanilang buhay.
Tuwing pumapasok sila sa trabaho, nasa panganib sila ng pagkahawa ng virus.
Maaari silang kapitan ng sakit sa pagtupad nila sa tungkulin sa kanilang pasyente.
Kung pagbabasehan ang mga datos ng Department of Health (DOH), libo-libong health workers na ang tinamaan ng COVID-19 mula nang mag-umpisa ang health crisis.
Marami mang gumaling o nakakarekober, marami ring iginupo ng impeksiyon.
Nakapanlulumo at masakit isiping may ilang healthworkers na nagka-COVID na nakararanas ng diskriminasyon.
May mga tinatanggihan ng sarili nilang ospital.
Ang ilang pagamutan, huli raw sa listahan o hindi prayoridad ang frontliner.
Tila wala silang pakialam sa mga empleyado nila.
May napabalita pa ngang medical frontliner na hindi tinanggap ng pinaglilingkuran nitong ospital kaya dinala ito sa ibang pasilidad at doon na binawian ng buhay.
Napakasaklap at nakadudurog ng puso.
Noong Lunes, Agosto 30 (Araw ng mga Bayani), kinilala ng government officials, kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, ang sakripisyo ng mga health worker at essential frontliner.
May ipinatatayo ring memorial wall o “Wall of Heroes” bilang pagkilala sa mga ginawa nila.
Sinasabing target ng gobyerno na matapos ito bago mag-Disyembre.
Kung hindi ako nagkakamali, matatagpuan ang wall sa Libingan ng mga Bayani sa lungsod ng Taguig.
Dito nakasaad ang kabayanihan ng mga doctor, nurse at iba pang medical personnel na nangunguna sa paglaban sa nakamamatay na virus.
Kasama raw sa mga kinonsulta para sa disenyo at lokasyon ng memorial si Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana at iba pang stakeholders.
Nararapat ding bigyang-pugay ang administrasyong Duterte at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa paglalatag ng proyektong ito.
Talagang hindi matatawaran ang pagsasakripisyo ng health care workers.
Kaya nararapat silang buhusan ng kaliwa’t kanang benepisyo, sahod at iba pang pangangailangan.
Mukhang may dahilan din sila sa ginagawa nilang kilos-protesta dahil buhay nila ang nakataya sa bawat oras na nakasalang sila sa trabaho.
Hindi dapat ipinagkakait sa kanila ang tamang suweldo.
Kung may pondo na naman para sa ipinangakong hazard pay at Special Risk Allowance (SRA) para sa kanila, aba’y huwag na itong ipitin.
Ang totoo’y maraming health workers ang matagal nang nagsisilbi sa mga pampublikong ospital.
Ngunit ang masaklap, hindi pa raw sila nakakatikim na taasan ng sahod.
Ang ilan ay deka-dekada na sa serbisyo pero tila naging makunat daw sa kanila ang kasalukuyan at dating gobyerno.
Nawa’y ngayong may pandemya at dumarami ang COVID-19 cases sa bansa ay maibigay na sa kanila ang inaasam nilang hazard pay at SRA na pinagtibay naman ng Malacañang noon pang Abril 2020.
Tunay na mga bayani ang mga healthcare worker.
Gayunman, kung patuloy silang pagkakaitan ng tulong, ang mga “bagong bayani” na tulad nila ay magiging mga bigong bayani.
Sa puntong ito na marami nang nalagas sa kanilang hanay, nawa’y dinggin naman ng mga kinauukulan ang kanilang daing at pagsusumamo.
389625 903304Effectively worded post is going to be sharing this with my readers this evening 578883
417889 85879Hey this really is kinda of off subject but I was wanting to know if blogs use WYSIWYG editors or in the event you have to manually code with HTML. Im starting a weblog soon but have no coding experience so I wanted to get advice from someone with experience. Any support would be greatly appreciated! 537099
856054 65515Yay google is my king helped me to discover this fantastic web internet site ! . 378992