NAIBALIK sa may-ari ang kanyang naiwan na wallet sa may waiting area ng Bacolod -Silay Airport, ayon sa report na nakarating sa opisina ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Sa nasabing report, natagpuan ang brown wallet ng isang Rick John Consul, janitorial staff ng airport kung saan nakapatong sa communal gang chair sa may arrival area ng naturang airport.
Ayon kay Roel Aranzado, Acting Manager ng Bacolod-Silay Airport ang nasabing wallet ay naglalaman ng mga importanteng dokumento kabilang ang driver license at pera na P9,000 at $300.
Nagpasalamat naman ang may-ari ng wallet na si Alexander Dacanay sa ipinakitang kabaitan ni Consul at commitment sa kanyang trabaho. FROILAN MORALLOS