WALO NASAKTAN SA SUMALPOK NA PASSENGER BUS

Bus

ZAMBOANGA CITY – WALONG katao ang malubhang nasugatan nang sumalpok ang sinasakayan nilang passenger bus sa isang concrete barrier sa Barangay Culianan ng nasabing lalawigan  kahapon ng umaga.

Ayon sa Zamboanga City Police, sa lakas ng impact ay nawasak ang harapan ng bus at nadurog din ang concrete barrier dahilan upang tumilapon ang mga pasahero sa harapang bahagi ng bus.

Agad namang nalapatan ng lunas ang mga nasaktan sa insidente.

Lumalabas sa pagsisiyasat na papunta sa integrated bus terminal ang bus nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver nito.

Pahayag ng mga nakaligtas na masama na umano ang pakiramdam ng driver bago pa man ang aksidente.

Hinala naman ng mga imbestigador na posibleng inaantok ang driver ng bus at na­bulaga ito ng tumambad siya sa harapan ng concrete barrier.

Patuloy ang isinasagawang imbestigas­yon ng pulisya sa nangyaring aksidente. VERLIN RUIZ