WALONG BALA NG CAL .45 SA TSERMAN

bala

CAMARINES SUR – PINASOK ng hindi pa nakikilalang lalaki ang tahanan ng barangay chairman saka ito binaril sa bayan ng Siruma noong Sabado ng gabi.

Ayon kay Police Maj. Maria Luisa Calabuquib, tagapagsalita ng Bicol police, kinilala ang biktima na si Romeo Decin, chairman ng Brgy. Nalayahan.

Naganap ang insidente ala-7:45 ng gabi habang nagpapahinga ang kapitan.

Agad namang nakatakas ang lalaki makaraan ang pamamaril  habang naidala agad sa pagamutan ang biktima.

Nakuha ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen ang walong basyo ng bala ng caliber .45 na baril.

Patuloy na ginagamot si Decin habang puspusan ang imbestigasyon ng pulisya sa kung ano ang motibo sa likod ng pana­nambang. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM