281 KATAO NADALE NG KILLER DENGUE – NDRRMC

DENGUE

CAMP AGUINALDO – UMAKYAT na sa 281 katao ang namatay dahil sa nararanasang dengue outbreak sa ilang lugar sa bansa.

Batay ito sa monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa  datos ng ahensiya,   umaabot sa 59,993 dengue cases ang naitala sa buong bansa.

Pinakamaraming kaso ng dengue ay sa Region 6 na umaabot sa 23,216 kung saan may naitalang namatay na umaabot sa 111.

Pumapangalawa sa may pinakamaraming kaso ng dengue ay ang Region 4-A (Calabarzon) na mayroong 13,032.

Samantala, walong bayan sa bansa ang nagdeklara na nang nasa state of calamity dahil sa dengue outbreak.

Ito ay Rizal, Sofronio Espanola sa Palawan, Ponteverda at Presidente Roxas sa Capiz,  Maasin Iloilo, Culasi at Sebaste sa Antique at Tantangan South Cotabato.

Nakatutok naman ang Department of Health sa pagbibigay ng ayuda sa mga lugar na nagdeklara na ng dengue out-break. REA SARMIENTO