SINENTENSYAHAN ng walong taon na pagkakulong ang 31-anyos na Chinese national na nag-enlist sa U.S. Army Reserves makaraang mapatunayan ng Justice Department na naniniktik para makakuha ng advanced aerospace at satellite technologies na ginagawa ng ilang kompanya sa U.S.A.
Ang hatol ng Illinois jury nitong nakaraang Linggo ay ipinataw laban sa convicted na si Ji Chaoqun na naninirahan sa Chicago ay ‘guilty of spying’ na umaaktong agent ng People’s Republic of China na nagbigay ng biographical information sa Chinese intelligence officer upang makapag-recruit ng iba pang Chinese spies.
Sa inilahad na ebidensya ng Justice Department, lumilitaw na si Ji ay may ilang ulit na nakipagpulong sa isang undercover law enforcement agent na nagpanggap na representative ng Ministry of State Security kung saan ibinida nito na may military identification siya na maaring bumisita at kumuha ng larawan ng Roosevelt-class aircraft carriers.
Sa ipinalabas na statement ng Justice Department, kabilang sa mga nire-recruit para maging espiya ay mga Chinese national na may trabahong engineer at scientist sa United States kung saan ang ilang ay namamasukan sa U.S. defense contractors.
Base pa rin sa nailathala ng Fox News, lumilitaw din sa pahayag ni Ji na sakaling makuha niya ang US citizenship at security clearance sa MAVNI program ay maari nang makapasok ng trabaho bilang cybersecurity work sa CIA, FBI o NASA ay may access na ito sa database na naglalaman ng scientific research.
“This tasking was part of an effort by the Jiangsu provincial department to obtain access to advanced aerospace and salettile technologies being developed by companies within the U.S.” pahayag pa ng Justice Department.
Nabatid na noong 2016, si Ji ay nag-enlist sa U.S. Army Reserves sa ilalim ng Military Accessions Vital sa National Interest (MAVNI) program, kung saan awtorisado ang U.S. Armed Forces na mag-recruit ng ilang legal aliens na may kakayahan at kinokonsiderang vital sa national interest. MHAR BASCO