WANDERLUST

“You’ve always lusted to be free,
Fly in the mountains, soar the sea,
Go search the world, just let me be,
I’ll be waiting under the tree.
But when you’re tired of being free,
You wander, wanderback to me.”
– NenetV.

Nakaka­kal­ma ng kalooban ang himig ng alon sa ma­lawak na karagatan, ang init ng araw sa silangan, at ang nagniningning na buhangin sa dalampasigan. Pilipinas, isa kang Paraiso.

Napuntahan mo na ba ang Palawan? Sa lugar kung saan makakamtan mo ang katahimikan ng puso at kaluluwa habang naglalaro ang mga daliri ng iyong mga paa sa puting buhangin. Lugar ito ng kulturang Pinoy na Pinoy, at katatagpuan pa ng mga halaman, insekto, ibon at hayop na wala sa ibang lugar.

Nagtutungo tayo sa ibang bansa para mamasyal — sa kasamaang palad, wala ka pang narating sa Pilipinas kundi hometown mo. Gusto mong maranasan ang Caribbean cruises, pero sana, sinubukan mo muna ang 2Go. Sakay ka sa barko papuntang Bohol, at makikita mo ang mga nagsasayaw na dolphins at butanding, pati na ang nagliliparang swordfish, habang naglalayag. Libre, walang bayad, dahil malaya silang namumuhay sa karagatan ng Pilipinas.

Nagsasayaw sila sa himig ng alon — Symphony of the Sea, sabi nga ng mga makata. At partidang nasa dagat ka pa lamang. Hindi mo pa nararating ang dapat mong puntahan.

Sabi ng mga friends ko, cheap tourist daw ako. Mas gusto ko kasi ang barko kesa eroplano, ang PNR train kesa bus. Gusto ko kasing makita ang dinaraanan ko — hindi ang ulap lamang sa kalangitan. Gusto kong mamalas ang mga berdeng bundok, ang ginintuang maisan at palayan. Gusto kong maamoy ang  dagat at ang bukid, dahil binibigyan nila ng kapayapaan ang aking puso.

Nasubukan mo na bang sumama sa Sinulog ng Cebu, o sumama sa Caracol ng Peñafrancia sa Bicol? Nakiprusisyon ka na ba sa Transisyon ng Nazareno sa Quiapo, o kaya naman ay nag­libot sa Binondo Chinatown. Pwede rin naman sa Panagbenga sa Baguio, o kaya naman ay sa Sagada na sobrang sarap ang pinikpikang manok.

Pero kung wala kang pera, pwede namang mamasyal na lang sa Lu­neta, magbaon ka na lang ng mani, tubig at banana cue para hindi ka magutom habang nanonood ka ng Concert at the Park. Pag sinuswerte, makikita mo pa si Coco Martin na nagsu-shooting.

Sure, wala tayong Disneyland o Hollywood pero wala naman silang Fort Santiago at ang napakagandang Wildlife Park. Wala rin tayong Magic Carpet ride pero may Star City naman na may libre pang ballet performance ng Ballet Manila courtesy of the one and only Primary Ballerina of the Philippines Liza Macuja Elizalde. Pag ginutom ka, P35 busog ka na — pero sa labas ka nga lang kakain.

Masarap ma­ging wanderer, lalo na kung dito sa sarili nating bansa. Sabi nila, mas mahal daw mamasyal sa Pilipinas kesa abroad, totoo yan, kung hindi mo alam ang gagawin mo. Ngunit pwede namang mura lang. Halimbawa, pwedeng mamasyal sa Bohol, Cebu at Boracay na ang budget ay P7000 lang, huwag ka lang mapili sa inn o hotel na tirahan. At suggestion nga pala, sa karinderya kayo kumain para mas authentic ang lasa ng pagkain.

It really feels so good to satisfy your wanderlust, at gawin mo ito habang kaya mo pa, hindi kung kelan tanders ka na at may iniindang rayuma.

Nenet Villafania