NAGHAIN si Senador Joel Villanueva ng panukala na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na gumamit ng wang-wang.
Ang Senate Bill No. 2635 o ang Anti-Wang Wang Act ay alinsunod sa kamakailan na inilabas na Order ni Pangulong Bongbong Marcos na nagbabawal sa paggamit ng sirens at blinkers.
Sinabi ni Villanueva na nalalagay sa alanganin ang kaligtasan ng mga motorista sa tuwing may mga opisyal na gumagamit ng wang-wang para mapabilis ang kanilang biyahe.
“This bill aims to establish a cohesive framework to regulate and deter unauthorized use, ensuring proper use for appropriate cases like transporting patients which is aligned with the constitutional principle of protecting life and property and promoting general welfare,” ani Villanueva.
May multang P1,000 hanggang P5,000 ang mahuhuling lalabag at suspensyon ng lisensya sakaling maipatupad ang batas.