WANTED: 1,800 PINOY WORKERS SA SAUDI, ISRAEL

NANGANGAILANGAN ang Israel at Saudi Arabia ng mahigit 1,800 Filipino workers sa hospitality at healthcare Industries.

Ayon sa Department of Migrant Workers, kailangan ng Israel ng 1,200 Filipino housekeepers para sa hotels at hostels na may starting monthly salary na 5,300 new Israeli shekels o P88,000.

Kabilang sa qualifications ang pagkakaroon ng National Certificate (NC) 2 sa housekeeping, 25-anyos pataas at nakaiintindi at nakapagsasalita ng Ingles.

Mahigit 600 nurses naman ang kailangan sa Saudi Arabia na may starting salary na 4,000 riyals o P62,500.

Ilan sa mga kuwalipikasyon ang pagkakaroon ng Bachelor’s Degree in Nursing, lisensiya mula sa Professional Regulation Commission at isang taong experience matapos ang board examination.

DWIZ 882