NANGANGAILANGAN ang gobyerno ng 3,000 health care workers sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Ginawa ni Vergeire ang pahayag kasunod ng apela ni Health Secretary Francisco Duque III sa mga Filipino health care worker, kabilang ang mga pinagbawalan ng pamahalaan na magtrabaho sa ibang bansa sa gitna ng pandemya, na mag-apply sa ilalim ng emergency hiring program ng pamahalaan.
Sa kasalukuyan ay 25 pa lamang ang nag-apply.
“We need 10,468 health workers across for different professions, and we are still short of 3,000 healthcare workers,” sabi ni Vergeire sa panayam ng ANC.
Sinabi ni Vergeire na umaasa ang pamahalaan na mapunan ang naturang vacancies sa inaasahang pagpasa sa Bayanihan 2 law na nagkakaloob sa health care workers ng mga insentibo tulad ng hazard pay, special risk allowance, health insurance at free accommodation and transportation.
“Aside from new hires, this will apply to existing and new health workers in the public and private sector, and so we hope and that they will able to apply and join us in this fight against COVID-19,” dagdag ni Vergeire.
Comments are closed.