WANTED: FLIGHT ATTENDANTS

NAGRE-RECRUIT ang AirAsia Philippines ng cabin crew upang matugunan ang tinatayang paglago sa air travel sa susunod na taon.

Ayon sa kompanya, ang mga aplikante na nais lumahok sa fifth at final round ng cabin crew recruitment ay maaaring magtungo sa 3rd Floor, MIAA Function Hall ng NAIA Terminal 3, sa Miyerkoles, Oktubre 11.

Ayon kay Air Asia Philippines CEO Ricky Islac ang kanilang additional manpower ay antisipasyon sa paparating na mga bagong eroplano, at kasabay sa pagbubukas ng kanilang 14 domestic at 13 international flights sa buong mundo.

Bukod sa cabin crew, magre-recruite din sila ng karagdagang Guest Service Agents (GSA) at Ramp Agents o tinatayang aabot sa 600 bagong staff na bubuo sa tinatawag na All- Star Team para sa susunod na taon.

FROILAN MORALLOS