PASIG CITY – ARESTADO ng Pasay City Police Warrant and Subpoena Section ang isang lalaking wanted sa kasong carnapping sa loob mismo ng Mandaluyong Police Station sa Mandaluyong kamakalawa ng umaga.
Inihain ng mga elemento ng warrant and subpoena section sa ilalim ng pamumuno ni Inspector Jimmy Ibay, hepe ng nasabing sangay ng Pasay City Police ang warrant of arrest laban sa suspek na kinilalang si Isagani Vergara y Cano, 24, residente ng # 41 Aglipay St., Brgy.Poblacion,Mandaluyong City.
Si Vergara ay may nakabinbing kaso kaugnay sa Anti Carnapping o paglabag sa RA 6539 sa ipinalabas ni Pasay City RTC Branch 112 sa sala ni Judge Jesus Mupas na may petsang Setyembre12, 2016.
Gayunman may inirekomendang piyansa si Mupas para sa pansamantalang paglaya ng suspek na halagang P180,000. BENJARDIE REYES
Comments are closed.