WANTED INDIAN GANGSTER TIKLO

Jaime Morente

NAKATAKDANG ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Indian national na wanted ng awtoridad sa kanilang bansa dahil sa mga iba’t-ibang kasong criminal.

Ito ang sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente matapos ang pagkakaaresto kay Suresh Bassapa Pujari, 48-anyos sa Dona Soledad Ave., Paranaque City ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU).

Dagdag pa ni Morente na si Pujari ay overstaying at undocumented na matapos itong magtago sa bansa noon pang 2016 at ang Indian passport niya ay paso na noon pang 2019.

Mayroon na rin itong interpol red notice noong Disyembre, 2016 dahil sa dalawang arrest warrants na inisyu sa kanya ng korte ng India.

Isa rito ay ang inisyu ng Greater Bombay, India noong July 2, 2016 habang ang isa ay insiyu ng Maharashta Control of Organized Crime (MCOC) Special Court sa Greater Mumbai, India noong Agosto 2, 2016 at kabilang dito ang extortion, preparation of murder with firearms, conspiracy, organized crime syndicate, at attempt to commit murder with criminal conspiracy to use illegal firearm.

Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, si Pujari ay isang notoryus na gangster sa Bombay and Mumbai, India at nasangkot din sa kidnapping with ransom sa pagitan ng 2006 at 2015 at tinakot na papatayin ang mga ito kung hindi sila magbabayad ng ransom.

Si Pujari ay kasalukuyang nakakulong sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig City habang hinihintay ang kanyang deportasyon. PAUL ROLDAN

8 thoughts on “WANTED INDIAN GANGSTER TIKLO”

  1. 909537 317036I enjoyed reading this a lot I really hope to read more of your posts in the future, so Ive bookmarked your weblog. But I couldnt just bookmark it, oh no.. When I see quality websites like this 1, I like to share it with other people So Ive produced a backlink to your website (from 602954

  2. 812511 974310Youd superb suggestions there. I did a research about the issue and identified that likely almost anyone will agree together with your internet page. 72195

Comments are closed.