WANTED NA AMERIKANO –– NASAKOTE NG BI ––

child molestation

DAVAO CITY – ISANG American mula sa Connecticut ang inaresto ng  Bureau of Immigration (BI) dahil sa kasong child molestation at child pornography.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente  ang inaresto  na si Jason Eric Keller, 33-anyos, at nahuli ng mga immigration agent sa loob ng BI’s district office sa Davao City habang nag-a-apply ng kanyang tourist extension visa.

Ayon kay Morente na walang  kamalay-malay itong si Keller na nakarating na sa kanilang opisina ang mga kasong ki-nasasangkutan nito sa kanilang lugar, at nakita rin sa BI watchlist ang kanyang pangalan na  wanted sa US.

Sinabi ni Morente na agaran niyang ipade-deport si keller sa lalong madaling panahon sapagkat isa siyang banta sa mga kabataan dito sa Filipinas.

Nakarating din sa opisina nito, na si Keller ay mayroong nakabinbing warrant of arrest na inisyu ng US district court sa Connecticut noon pang Disyembre nang nakaraang taon dahil sa “enticing a child to engage in sexual activity and receiving child pornographic materials.”

Dagdag pa nito na nasakote itong suspek dahil sa tulong ng US government para sa ikadarakip nito sa kanyang kinaroroonan sa bansa, at sa kanyang pagiging undocumented alien.

Nabatid mula kay BI Intelligence Chief Fortunato Manahan Jr. na si Keller ay gumagamit ng alyas  na ‘Eddie Buttered Toast’, kung saan duma­ting ito sa Filipinas noong 2017. FROI MORALLOS

Comments are closed.