(Wanted na Chinese nasakote) HAZARDOUS NA KATOL NADISKUBRE SA BODEGA

BULACAN-MAKALIPAS ang isang taon na pagtatago sa batas nadakip din ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang Chinese sa Brgy, Sta. Rosa, Marilao sa lalawigang ito.

Sa inisyal na report ni Maj.June B Tabigo-on kay PNP-CIDG Regional Chief Joshua F Alejandro,kinilala ang suspek na si Shin Yun Chung, alyas Shi Zen Cong, 53-anyos, negosyante at residente ng Chinatown sa Maynila.

Base sa paunang imbestigasyon ni SMS Jayson dela Cruz, mag aalas-9:40 ng gabi nang madakip ang suspek sa inuupahan nitong bodega.

Armado ng warrant of arrest ang mga tauhan ng CIDG na may cc.no 779-M-2022 na inisyu ni Branch 15 Regional Trail Court Presiding judge Alexander Tamayo sa kasong Food and Drug Administration Act of 2009 RA-9711.

Kasunod nito, nadiskubre rin ang mga kahon ng umano’y hazardous na katol na nasa loob ng kanyang bodega.

Nasa 200 kahon ng Wawang Mosquito Coil na tinatayang aabot sa P180,000.00 ang kinumpiska ng mga awtoridad.
THONY ARCENAL