MANILA – NALAMBAT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang wanted na Japanese sa Malate.
Namataan si Toshio Hoshino, 49-anyos, na naglalakad sa Ermita at Malate kaya’t inaresto ito nang papasok sa isang hotel sa Mabini Street.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, dahil sa kasong pagnanakaw, pamemeke ng mga dokumento at panloloko sa kanyang bansa ay inaresto ito.
Hawak na ng BI Legal Division si Hoshino at sasampahan ng kaso saka ipapatapon pabalik sa kanilang bansa. PAUL ROLDAN
Comments are closed.