DINAMPOT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Hapon na wanted sa Japan bunsod sa pagkakadawit nito ng kasong illegal recruitment at pamemeke ng official documents.
Kinilala ang suspek na si Amano Mototaka, 50-anyos na naaresto ng mga tauhan ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU) noong Lunes sa kahabaan ng Arellano Ave., Sta. Ana, Manila.
Ayon sa report si Amano ay mayroon Warrant of Arrest na inisyu ng Summary Court sa Nagoya noong Setyembre 30, 2022 bago tumakas papuntang Pilipinas.
Batay sa nakuhang record ng Immigration si Amon ay kinasuhan sa Nagoya Court ng pamemeke ng entries ng original electromagnetic notarized deeds at ibinebenta nito.
Nilabag nito ang Japan’s control and improvement of amusement business kung saan ito ay may karampatang parusa sa ilalim ng Japanese penal code.
Sumasailalim din ito ng imbestigasyon hinggil sa pagsasaayos ng fake marriages tungkol sa isang Pilipino upang makakuha ng tinatawag na long term residence visa, at na-recruit niya ito sa kanyang illegally-operated entertainment bar.
Si Mototaka ay kasalukuyang nakakulong sa BI detention center sa Taguig City, habang naka-pending ang kanyang deportation order ng BI Board of Commissioners. FROILAN MORALLOS