NAARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Angeles City, Pampanga ang isang American fugitive na wanted sa US authorities sa Minnesota kaugnay sa distribution ng child pornography.
Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Gary Jaime Dokulil, 40-anyos, kasalukuyang nakaku-long sa Bicutan, Taguig City.
Si Dokulil ay nadakip ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI sa tulong ng US embassy sa Manila at sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng US district court sa Minnesota.
Dagdag pa ni Morente na agarang ipade-deport si Dokulil dahil isa itong banta sa seguridad ng mga kabataang Filipino.
Nadiskubre ni BI-FSU Chief Bobby Raquepo na dumating si Dokulil sa bansa noong Enero, ilang araw matapos maglabas ang Minnesota ng warrant of arrest dito.
Marso 3, 1999 hinatulan ng Dakota County District Court sa Minnesota si Dokulil dahil sa kasong “terroristic threats” na lumi-kha ng labis na pagkatakot sa mga tao. FROI MORALLOS
Comments are closed.