MAYNILA – IPADE-DEPORT ng Bureau of Immigration ang ang isang American fugitive na wanted sa kasong murder at sangkot sa ilang kasong kriminal sa Estados Unidos matapos maaresto sa Angeles City, Pampanga.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nasa kustodiya ngayon ng BI ang naarestong dayuhan na si Antonio Marsonel Wilson, 38.
Sinabi ni Morente na may may arrest warrant laban kay Wilson na inisyu ng US district court sa Warren County, Kentucky.
Dagdag pa ni Morente na maliban sa kasong murder ay isinasangkot din ito sa kasong first-degree assault, domestic violence, first-degree wanton endangerment, possession of a firearm and handgun by a convicted felon, tampering with physical evidence, trafficking in marijuana at possession of drug paraphernalia.
Napag-alaman din na si Wilson ay nag-plead guilty sa pakikisangkot sa drugs at 4 counts ng pagpapakalat ng crack cocaine.
Inilarawan ni Morente ang Kano na isang “hardened and incorrigible criminal whose presence here poses a serious threat to the lives and well-being of Filipinos.”
Si Wilson ay naging laman din ng balita sa Kentucky noong Hunyo ng nakaraang taon matapos maaresto ng mga tauhan ng Warren County Sheriff’s Office nang tangkain nitong barilin ang kanyang anak ng shotgun.
Samantala, sinabi ng opisyal na maglalabas ang BI board ng commissioners ng kautusan laban kay Wilson para sa kanyang de-portasyon upang harapin ang kanyang kaso sa US. PAUL ROLDAN/ FROI MORALLOS
Comments are closed.