WANTED NA MISIS ARESTADO

WANTED-1.jpg

ARESTADO ang isang 41-anyos na misis matapos arestuhin ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest sa Navotas City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang nadakip na si Doris Dail ng Block 1 Phase 1-C, Bangus St., Brgy. NBBS Kaunlaran, Navotas City.

Ayon kay Ollaging, nakatanggap ang mga tauhan ng Navotas Police Warrant and Subpoena Section (WSS) ng impormasyon na nakita ang akusado sa kanilang lugar.

Bumuo ng team ang WSS, kasama ang Navotas Police Sub-Station 4 saka isinagawa ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-3:10 ng hapon sa kanyang bahay.

Si Dail ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Marisa M. Buenagua, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 90, Parañaque City para sa kasong paglabag sa Art. 315 (1)(B), RPC AS AMENDED BY RA 10951.

Ani SSg Renato M Panganiban Jr, ang inarestong akusado ay nasa ila­lim ng kustodiya ng Navotas City Police habang hinihintay ang issuance ng Commitment Order. VICK TANES