WANTED: PINOY NURSES SA CANADA, AUSTRIA

GOOD  news ang pahayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na nangangailanga ng Pinoy nurses ang mga bansang Canada at Austria.

Ibig sabihin nito, madaragdagan ang bilang ng overseas Filipino workers at mababawasan ang walang trabaho na Pinoy nurse.

Ang mga newly graduate naman sa nasabing kurso at iba pang health related course ay may tiyansang mabigyan ng hanapbuhay.

Dahil dito ay mababawasan ang bilang ng tambay na Pinoy at madaragdagan pa ang mga may hanapbuhay.

Domino effect nito, madaragdagan ang dolyar na papasok sa bansa at malaking tulong ito sa ekonomiya.

Sa anunsiyo ni Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac, kukuha rin ang Austria ng skilled professionals para matugunan ang pangangailangan ng healthcare sector ng nasabing bansa.

Kinumpirma rin ni Cacdac ang pagkuha ng Singapore ng Filipino healthcare workers, habang ang Croatia ay nakikipag-ugnayan na rin sa DMW para sa pag-hire ng Filipino professionals.

Marami pang mga bansa ang hangad ang Pinoy workers.