CEBU CITY- WALONG taong wanted sa Cebu City ang bumagsak sa selda ng Mandaluyong sa kasong illegal posession of firearms at attempted homicide .
Sa ulat ni Col. Gauvin Mel Unos, hepe ng Mandaluyong PNP, kinilala ang nadakip na si Marlon Alivio y Paquete, nasa hustong gulang at nakatira sa Maysilo Circle, Brgy., Plainview, Mandaluyong City.
Nabatid na dakong ala-6:30 ng gabi, inaresto ang suspek ng magkasanib na elemento ng intelligence sa pangunguna ni Maj. Elvin Ballesteros at warrant and subpoena section sa pamumuno ni Capt. Glenzor Vallejo ng Mandaluyong sa Maysilo Circle, Brgy., Plainview.
Nang makarating kay Asturias Municipal Police Station, Cebu Provincial Police Office Maj. Alden Belciña, hepe ng Zambrano PNP Cebu agad na nakipag-cordinate sa awtoridad ng Mandaluyong ang mga opisyal bitbit ang 2 warrant of arrest laban sa suspek na inilabas nina Hon. Ruben F. Altubar, RTC Branch-29 Toledo City na may petsang Hulyo 7, 2014 sa kasong paglabag sa RA7166, section 32 (Comelec Gun Ban) na may piyansang P80, 000.00 at kasong Attempted Homicide kay Hon. Mary Jocelyn G. Regencia ng Municipal Circuit Trial Court, Balamban – Asturias, Cebu laban sa suspek na may piyansang P12, 000.00 na inilabas naman noong Hunyo 24, 2014.
Base sa ulat ng awtoridad, simula nang magkaroon ng mga kaso sa lalawigan ng Cebu ang suspek ay nagtago na ito sa lungsod ng Mandaluyong kung saan ito naaresto ng magkakasanib na puwersa ng pulisya. ELMA MORALES