MAYNILA – NASAKOTE ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang babaeng Chinese na wanted sa Beijing, China dahil sa kasong cyber crime.
Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang dalawa na sina Hong Webin, 34, at Li Cheng, 36, na naaresto sa loob ng tinu-tuluyang condominium unit sa Mandaluyong City ng mga operatiba ng bureau’s fugitive search unit (FSU).
Ayon kay Morente inilabas ang mission order matapos makatanggap ng impormasyon ang BI mula sa Chinese embassy sa Maynila na wanted ang dalawang babaeng Tsinoy sa pagpapakalat ng malalaswang materyal sa internet at sangkot din sa ilegal na propaganda.
Kasalukuyan ng nakakulong sina Webin at Cheng sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang kanilang summary deportation. PAUL ROLDAN
Comments are closed.