TARLAC-NASAKOTE ang 19-anyos na wanted sa iba’t-ibang kaso ng pagnanakaw ng mga tauhan ng Marikina PNP sa hangout nito sa La Paz sa lalawigang ito.
Sa ulat na tinanggap ni Col. Gerson Bisayas, Officer In Charge (OIC) ng Marikina PNP, kinilala ang nadakip na si Joshtin Pollarca y Bernal, alyas “Tulok”, nakatira sa Blk-6, Brgy., Cut-cut ll, La Paz, Tarlac.
Inaresto ng magkasanib na puwersa ng Intel operatives ng Marikina Police sa katauhan ni Capt. Ramiel Soriano at Plt. Jon-Jon Jano, dakong alas-4:15 ng hapon ang suspek sa Blk-6,Brgy., Cut-cut, Tarlac.
Gamit ng mga operatiba ang ilang warrant of arrest laban sa suspek na inilabas nina Hon. Jennifer A. Santos-De Lumen, Presiding Judge Branch-18,Family Court Cainta Rizal sa kasong (Qualified Theft), Anti-Carnapping Act of 2016 at ni Hon. Emma Zuta Bernardo Abuda-Caballegan, Presiding Judge Branch-17 Family Court Antipolo City sa kasong 9lRA9165 section 11 at Hon. Maria Cristina D.R Rosario-Osoteo, Assisting Judge, Family Court Branch-18 Cainta Rizal sa kasong paglabag sa RW 10883, new anti-carnapping act of 2016.
Nauna rito, bago nadakip ang suspek nagsagawa ang Marikina Intel operatives ng series of cyber patrolling o surveillance ng ilang linggo para i-locate ang kinaroroonan ng akusado.
Nakapiit na ang akusado sa detention cell ng pulisya matapos na isalang sa medical examination sa Amang Rodriguez Medical Center sa Marikina. ELMA MORALES