WANTED SA KASONG RAPE NALAMBAT

HINDI na nakuhang pumalag sa mga awtoridad ang wanted sa kasong 2 counts ng statutory rape sa isinagawang manhunt operation laban sa suspek sa lungsod ng Pasig.

Kinilala ni Col. Roman Arugay, hepe ng pulisya ang naaresto na si Dick Royol Huit, nasa hustong gulang nakatira sa No. 1957 Alvarez Peñaflor Compound, Brgy. Maybunga, sa lungsod.

Nabatid na dakong ala-5 ng hapon kamakalawa, nasakote ng grupo ni Maj. Jose Luis Aguirre chief, Station Intelligence Section ang suspek sa C Raymundo Ave., Brgy., Maybunga.

Ayon sa pulisya, Pebrero 17 inilabas ni Hon. Jesus Angelito y Huertas Jr., Presiding Judge RTC Branch-261 ang kasong 2 counts ng Statutory Rape under Art. 266-A Par (D) ng RPC sec. 5 (A) ng RA 8369 under criminal case No. R-PSG-22-00580 to 81-CR laban sa akusado.

Idinagdag pa ni Arugay, bahagi ng pinaigting na manhunt operation laban sa mga criminal sa lungsod ng pulisya ang sanhi ng pagkaaresto ng suspek. ELMA MORALES