ARESTADO na ang isang lalaki na matagal ng hinahanting ng mga awtoridad mula nang makatakas ito sa detention cell noong nakaraang taon sa Navotas City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Alexander Illustrisimo, 28, na tinagurian ng pulisya bilang No. 3 most wanted persons sa lungsod at may kinakaharap na kasong murder sa Navotas City Regional Trial Court (RTC) Branch 286.
Ayon kay Col. Balasabas, si Illustrisimo ay naaresto noong Enero 1, 2018 matapos magpaputok ng kanyang baril subalit, nagawa nitong makatakas sa kulungan.
Ang suspek ay may naka-pending na warrant of arrest na inisyu ni Judge Pedro Dabu, Jr. ng Navotas RTC Branch 286 sa kasong murder na naging dahilan upang magsagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/SMSgt Generoso Gagatiga kontra sa suspek.
Hanggang sa maaresto ang suspek bandang alas-9:45 ng umaga sa labas ng kanyang bahay sa No. 149 Baron St., Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN) matapos makatanggap ng tip ang mga tauhan ng WSS na nakita ito sa naturang lugar. EVELYN GARCIA
Comments are closed.