NAARESTO ang Manila’s top most wanted sa kasong rape sa follow up operation ng Manila Police District (MPD) sa Ilocos Sur.
Kinilala ang inaresto na si Enrique Cecillano III alyas Jack, 37-anyos na nagtago sa Barangay Rubio, Gallimuyod ng halos isang taon.
Ayon kay MPD District Director P/Brig. General Bernabe Balba, nakipag-ugnayan ang Intelligence Section ng Meisic Police Station 11 sa Candon City Police Station, Ilocos Sur Police Provincial Office, Police Regional Office na nagresulta ng pagkakaaresto sa suspek.
Pinuri naman ni Mayor Isko Moreno si Balba maging ang mga tauhan ng Station 11 ng MPD dahil sa kanilang accomplishments. PAUL ROLDAN
Comments are closed.