PAMPANGA- DIRETSO selda ang bagsak ng isang Taiwanese national na wanted ng awtoridad sa Taipei dahil sa kasong fraud nang maaresto siya ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI).
Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang wanted na si Che Szu-Han, 26-anyos na naaresto sa Clark freeport in Mabalacat, Pampanga sa bisa ng mission order.
“He will be deported after our board of commissioners issue the order for his summary deportation. He will be placed in our blacklist and banned from re-entering the Philippines,”ayon sa BI chief.
Sinabi naman ni BI-Fugitive Search Unit (FSU )acting chief Rendel Ryan Sy na ang warrant laban kay Chen ay inisyu ng Taipei district prosecutors office.
Inakusahan ng Taiwanese authorities si Chen na miyembro ng sindikato na nandadaya sa mga kababayan nito sa pangongolekta ng pera na idinideposito nito sa kanyang bank accounts.
Kanselado na rin ang kanyang passport dahil sa pagiging undocumented nito. PAUL ROLDAN