HINARANG ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bago pa man makapasok sa bansa ang isang wanted na Taiwanese dahil sa pandaraya sa negosyo sa sarili nitong bayan.
Kinilala ang inaresto na si Miao Jwu-Yi, 70, na nasabat noong Setyembre 30 sa NAIA bago pa man lumapag galing sa Hong Kong.
Base sa report ni BI port operations division chief Grifton Medina kay Immigration Commissioner Jaime Morente, na si Miao ay inaresto matapos na lumabas ang kanyang pangalan sa BI database na blacklisted.
Ayon sa mga opisyal ng TECO, si Miao ay nahatulan ng apat na taon na pagkakabilanggo noong 2017 dahil sa paglabag sa Taiwan’s Business Entity Accounting Act.
Matapos na mahatulan, si Miao ay nagtago dahilan upang nag-isyu ang District Prosecutors Office sa Taipe ng warrant of arrest laban sa kanya.
“He remains in our blacklist, thus he will be barred again from entering our country if he attempts to return in the future,” ayon kay Rommel Tacorda, BI Border Control and Intelligence Unit (BCIU). PAUL ROLDAN
Comments are closed.