QUEZON-NADAKIP ang isang lalaki matapos kumuha ng requirements na National Police Clearance sa Tiaong Municipal Police Station noong October 9 ng umaga.
Nakita umano nila sa e-warrant system na mayroong pending warrant of arrest laban sa lalaki para sa kasong three counts ng qualified rape na inilabas ng Regional Trial Court Branch 76 ng San Mateo, Rizal noong May 28, 2012 nang walang inirekomendang piyansa.
Agad na nagsagawa ng koordinasyon ang Tiaong Police para beripikahin ang impormasyon nang magpositibo ito, naghain na sila ng alias warrant para arestuhin ang suspek.
Base sa report ng Tiaong PNP, kabilang ang suspek sa listahan ng most wanted person ng CALABARZON.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa custodial facility ng Tiaong Municipal Police Station at inihahanda na ang paglilipat ng kaniyang kustodiya sa San Mateo, Rizal PNP.
BONG RIVERA