WAR ON DRUGS PARA PROTEKTAHAN ANG MGA PILIPINO – DUTERTE

Humarap sa unang pagkakataon si dating president Rodrigo Roa Duterte kasama sina Atty. Salvador Panelo at dating Ret PGen. Aaron Aquino ng PDEA sa imbestigasyon ng Senado sa war on drugs. Kuha ni RUSTY ROMAN

Iginiit  ni dating pangulong Rodrigo Duterte  na nagpatupad siya ng war on drugs para protektahan ang mga Pilipino.

“I did what I had to do because kailangan kong gawin. Why? To protect the people and my country,” ani Duterte na dumating sa Senado para dumalo sa imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa war on drugs.

Nang tanungin kung may pinagsisisihan ba siya kung paano niya hinarap ang drug war, sinabi niya, “it is for the Filipino to make the judgment.”

Dumating si da­ting senador Leila De Lima ilang sandali bago dumating si Duterte. Siya ay nakulong noong 2017 dahil sa mga kaso ng droga. Isa rin siyang kritiko ng drug war ni Duterte.

Nang tanungin kaugnay ng kanyang pagharap kay De Lima, sinabi niya, “I am here to make an accounting of what I did as President so walang problema.”

Samantala, sinabi ni De Lima na mayroon siyang ‘mixed feelings’ habang sa pagharap niya sa komite.

“Mixed feelings kasi nagpapaalala ‘yan sa akin ng mga nangyari noon kung ano ang mga ginawa nila sa akin. And at the same time, there’s this feeling of real hope, baka nga naman magsimula na talaga iyong hustisya and accountability.”

Inamin ni Duterte na inatasan niya ang mga opisyal ng pulisya na hikayatin ang mga kriminal na lumaban para magkaroon sila ng dahilan para patayin sila.

“Ang sinabi ko ganito, prangkahan tayo, encourage the criminals to fight. Encourage them to draw their guns,” sinabi ni Duterte.

“Pagka lumaban, patayin ninyo para matapos na ang problema ko sa siyudad ko. Nung na-presidente ako, ganun rin sa command confe­rence,” dagdag niya.

“I alone take full legal legal responsibility,” pahayag ni Duterte hinggil sa kaniyang naging responsibilidad sa war on drugs ng kanyang administrasyon.

Sinabi ni Duterte na siya lamang ang dapat humarap sa anumang legal consequences, hindi ang mga pulis na sumunod lamang sa kanyang mga utos.

Kamakailan ay nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights (CHR) sa isinasagawang imbestigasyon ng Kamara ukol sa war on drugs.

LIZA SORIANO