SUGATAN ang tatlo katao nang masunog ang isang bodega ng furniture sa Barangay Balumbato, Quezon City kahapon ng umaga.
Nagsimula ang apoy alas- 4 ng madaling araw at hanggang alas-6 ng umaga ay nasa pangalawang alarma pa rin ang nasabing sunog.
Ayon sa ilang stay-in employee agad silang lumabas sa nasabing lugar upang iligtas ang kani-kanilang sarili.
Tatlo sa mga empleyado ang nasugatan kung saan ay nagtamo ng mga paso sa iba’t ibang parte ng katawan na agad namang isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.
Mahigit sa 15 fire truck kabilang na ang mga fire volunteers ang nagtulong tulong para makontrol ang naturang sunog.
EVELYN GARCIA