BULACAN – ISANG warehouse na puno ng umano’y imported na bigas ang ipinadlak ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa umano’y paglabag sa import violation.
Sa report ni Acting Bulacan Provincial Director Sr. Supt. Chito Bersaluna, matatagpuan ang warehouse ng bigas sa isang compound sa Barangay Ibayo sa bayan ng Marilao.
Ayon kasi sa Custom’s Intelligence and Investigation Service Operatives na nirentahan lamang ang nasabing warehouse na may letter of authority pa-ra sa mga warehouse.
Ganap na alas-3:33 ng madaling araw nang kandaduhan ang nabanggit na bodega ng palay.
Ayon naman kay Piolito Santos, regional director ng National Food Authority (NFA) sa Central Luzon, wala siyang alam na may operasyon ang BOC sa nasabing bodega.
Sinabi naman ni Atty. Henesito Balasolla ng kooperatiba na kompleto sa lahat ng dokumento ang kanyang kliyente sa mga bigas na nasa loob ng malaking warehouse subalit nakapagtatakang ipinadlak pa rin ito. THONY ARCENAL
Comments are closed.