BULACAN- SINALAKAY ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa tulong ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang isang warehouse na naglalaman ng mga smuggled na sigarilyo at facemask sa Barangay Sta. Rosa, Marilao ng lalawigang ito.
Kasama ng PDEA ang BOC Enforcement and Security Services Quick Reaction Team (ESS-QRT) at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa naturang operasyon na kung saan ay nakakumpiska ang mga ito ng 1000 master cases smuggled premium cigarettes at iba pang klase ng sigarilyo.
Bukod dito, nakakumpiska rin ang mga awtoridad ng 648 kahon ng pekeng N95 masks na tinatayang aabot sa P80 milyon ang halaga.
Agad na dinala ng grupo ang mga nasabing items sa Port of Manila para sa investigation at inventory bago sampahan ng kasong kriminal ang consignee. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.