UMAABOT sa P65 milyong halaga ng mga imported na sibuyas, beans, frozen chicken at karneng baboy na nasa bodega ng Rizal at Valenzuela ang nakumpiska ng Bureau of Custom (BOC) kahapon.
Sa Taytay Rizal, natuklasan ang mga imported frozen chicken, beef, pork, sausages, butter at iba pang foodstuffs na nagkakahalga ng P50 milyon habang sa bodega ng Sitio Punturin sa Valenzuela City ay nasamsam ng mga operatiba ang mga pula, puting sibuyas at beans na aabot sa P15 milyon.
Ayon sa BOC, gamit nila ang Letters of Authority (LOA) o kautusan ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero nang salakayin nila ang bodega sa Rizal at Velenzuela ng magkasanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) at NBI-Special Action Unit na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mga imported na produkto.
Sa utos ni Guerrero, kinandado ang dalawang bodega at kinumpiska ang mga imported product habang inaantay na bayaran ng mga may-ari ang buwis sa mga produkto.
ELMA MORALES/ FROILAN MORALLOS