INIHAYAG ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na malamang na simulan na ng gobyerno ang pag-oobliga sa mga gumagawa ng mga matatamis na inumin ang paglalagay ng warning labels ngayong Agosto.
Sa isinagawang workshop sa mga small and medium enterprise kamakailan, na isinagawa ng DTI, sinabi ni Lopez na ang kanyang opisina at ang Food and Drug Administration (FDA) ay magkakaroon ng meeting para magsaayos ng alituntunin sa paglalagay ng warning labels sa mga inuming matatamis.
“We’ll select the products that will be included and what kind of warning we should put at the label,” ani Lopez.
“We’re looking at about 28 or 30 percent grams above per serving, maybe it could be the basis [for identifying which beverages will be included].
“Even looking in powdered juice drink, the pack is mainly sugar. But if you’ll mix it with water, you will look at its sugar content per serving,” paliwanag niya.
Dagdag pa ni Lopez na ang warning ay dapat ilagay sa harap ng packaging na may malaking letra.
Sa isang press briefing sa Malacañang kamakailan, sinabi ng opisyal na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagtutulak ng inisyatibong ito nang malaman ang powdered juice drinks ay may mataas na sugar content.
Ang mga health risks na iniuugnay sa pag-inom ng sobrang tamis na inumin ay diabetes ganundin ang heart disease risk factors tulad ng obesity, high blood pressure at inflammation.
Samantala, sinabi ni Lopez na makikipagdiskusyon ang gobyerno sa mga may kaugnayan sa isyu bago mag-release ang FDA ng order sa paglalagay ng label sa mga inuming may mataas na halo ng asukal.
Comments are closed.