WARRANTLESS ARREST SA MAGBABANTA SA MEDIAMEN

HANDA ang Philippine National Police na magpatupad ng “warrantless arrests” laban sa sinumang mapatutunayang nagbabanta sa buhay ng mga mamamahayag sa panahon ng eleksiyon.

Ginawa ni PNP Spokesperson Col. Roderick Augustus Alba ang pahayag matapos italaga ng Department of the Interior and Local Government ang pulisya bilang media security focal persons o “media security vanguards.”

Pero sinabi ni Alba na iba-validate muna ang sumbong at kapag nakakuha ito ng sapat na basehan ay agad nila itong aaksiyunan.

Samantala, isiniwalat ni Presidential Task Force on Media Security Executive Director Joel Egco na may tatlong report sila na mino-monitor at ito ang tinututukan nila ngayon. DWIZ882