WARRIORS BALIK ANG BANGIS

NAGBUHOS si Stephen Curry ng 18 points at nagbigay ng season-best 14 assists nang durigin ng Golden State, galing sa All-Star break sa Portland, ang Trail Blazers, 132-95.

Napantayan ni Klay Thompson si Curry para sa team-high scoring honors na may 18 points at gumawa si Jonathan Kuminga ng 17 points mula sa bench para sa Warriors, na naunang natalo ng apat sa lima, at naitala ang kanilang second-highest point total sa season.

Kumana si Anfernee Simons ng game-high 24 points para sa Trail Blazers, na pumasok sa break na may four-game winning streak.

SUNS 124,

THUNDER 104

Tumirada si Devin Booker ng  25 points at 12 assists upang pangunahan ang bisitang Phoenix kontra Oklahoma City para sa ika-8 sunod na panalo.

Umiskor sina Cameron Johnson at Mikal Bridges ng tig-21 points para sa Suns, na nanalo ng 19 sa kanilang huling  20. Naglaro sila na wala si Chris Paul, na nabalian ng right thumb sa huling laro ng Phoenix bago ang All-Star break.

Sa kanyang unang laro magmula noong Jan. 28, kumubra si Oklahoma City’s Shai Gilgeous-Alexander ng 32 points sa 13-of-22 shooting. Sa kabilw nito ay nalasap ng Thunder ang ika-7 kabiguan sa walong laro.  Nakakuha rin ang Oklahoma City ng 15 points, 9 rebounds at 6  assists kay Josh Giddey.

Sa iba pang laro, naungusan ng Timberwolves ang Grizzlies, 119-114; tinuhog ng Bulls ang Hawks, 112-108; pinayuko ng Nuggets ang Kings, 128-110; ginapi ng Celtics ang Nets, 129-106; at dinispatsa ng Pistons ang Cavaliers, 106- 103.