WARRIORS BALIK SA PORMA

NAGBALIK si Klay Thompson mula sa  2 1/2-year absence at kumamada ng 17 points sa 20 minutong paglalaro, at umiskor si Stephen Curry ng game-high 28 points nang putulin ng Golden State Warriors ang two-game losing streak sa pamamagitan ng 96-82 panalo laban sa bisitang Cleveland Cavaliers sa San Francisco nitong Linggo ng gabi.

Naglaro sa unang pagkakataon buhat nang magtamo ng torn ACL sa kanyang kaliwang tuhod sa Game 6 ng 2019 NBA Finals, kinailangan lamang ni Thompson ng  40 segundo upang maitala ang kanyang unang  basket sa season at wala pang kalahati upang pakawalan ang kanyang unang dunk at unang 3-pointer.

Tumapos ang five-time All-Star na may 3-for-8 sa 3-pointers at 7-for-18 overall mula sa field. Kumalawit din siya ng 3 rebounds, 1 assist at 1 block matapos ang 941-day absence na kinabilangan ng ruptured right Achilles sa tangkang pagbabalik bago ang 2020-21 season.

Bumuslo si Curry ng 4-for-11 sa 3-pointers sa gabing nagtuwang sila ni Thompson para sa pito sa 10 tres ng Golden State mula sa 42 attempts ng koponan. Tumipa si Lamar Stevens ng 17 points upang pangunahan ang Cleveland, na nasa kanilang ikalawang stop sa six-game Western swing.

GRIZZLIES 127,

LAKERS 119

Bumuslo si Desmond Bane ng 5-for-8 mula sa 3-point distance at umiskor ng 23 points nang gapiin ng bisitang  Memphis ang Los Angeles upang kunin ang kanilang franchise-record ninth straight victory.

Nagdagdag si Jaren Jackson Jr. ng 21 points, 12 rebounds at 6 blocks para sa Grizzlies, at tumapos si Ja Morant na may 16 points at 7 assists makaraang ilabas siya sa panalo noong Sabado kontra Los Angeles Clippers dahil sa sore left thigh.

Nagsalansan si LeBron James ng 35 points, 9 rebounds at 7 assists para sa Lakers, na sumakay sa season-long four-game winning streak. Ito ang ika-11 sunod na laro na umiskor si  James ng hindi bababa sa 25 points. Si James, 37, ang pinakamatandang NBA player na nakagawa nito.

NETS 121,

SPURS 119 (OT)

Naisalpak ni rookie Cam Thomas ang tiebreaking basket, may 1.7 segundo ang nalalabi sa overtime, nang tapusin ng Brooklyn ang five-game home losing streak sa pagdispatsa sa San Antonio sa New York.

Nagwagi ang Nets sa kanilang unang  home game magmula nang gapiin ang Philadelphia 76ers noong Dec. 16 at malusutan ang paghulagpos ng 12-point lead sa huling limang minuto ng regulation.

Nanguna si Kevin Durant para sa  Nets na may 28 points subalit nagmintis din sa potential game-winning 3-pointer, may 3.8 segundo ang nalalabi sa regulation, at umabot ang laro sa overtime nang kapusin ang alley-oop layup ni Kenta Bates-Diop sa buzzer.

CLIPPERS 106,

HAWKS 93

Napantayan ni Amir Coffey ang kanyang  career high na 21 points at tinulungan ang Los Angeles na putulin ang kanilang three-game losing streak sa panalo laban sa bisitang Atlanta.

Si Coffey, naglalaro sa  two-way contract, ay 8-for-12 mula sa field at napantayan ang isa pang career high na may limang 3-pointers. Nagdagdag siya ng 5 rebounds at 3 assists. Anim na iba pang  Clippers players ang nagtala ng double figures, kabilang si veteran Serge Ibaka na may 16 points mula sa bench.

Umiskor si Atlanta’s Trae Young ng 19 points at naputol ang kanyang franchise-record streak na 25-plus-point games sa 17. Si Young ay 8-for-21 mula sa floor at  1-for-6 lamang mula sa distance, na may 7assists. Kumubra rin si Bogdan Bogdanovic ng 19 points, kapos ng isa sa kanyang season high.

Sa iba pang resulta: Wizards 102, Magic 100; Nuggets 99, Thunder 95; Timberwolves 141, Rockets 123; Raptors 105, Pelicans 101; Mavericks 113, Bulls 99; Trail Blazers 103, Kings 88.