WARRIORS BINITBIT NG TRIPLE-DOUBLE NI CURRY VS LAKERS

NAGTALA si Stephen Curry ng triple-double at nag-ambag si  Nemanja Bjelica ng double-double sa kanyang Golden State debut nang gulantangin ng Warriors ang host Los Angeles Lakers, 121-114,  sa opening night.

Tumapos si Curry na may team-high 21 points sa kabila ng 5-for-21 shooting, at nagdagdag ng 10 rebounds at  10 assists. Nagbuhos si Jordan Poole ng 20 points para sa Warriors.

Na-outscore ng bench ng Golden State, sa pangunguna ng 15 points at 11 rebounds ni Bjelica, ang Los Angeles counterparts nito, 55-29, at naiganti ng Warriors ang pagkatalo sa Lakers sa bagong play-in tournament ng NBA noong nakaraang season.

Nanguna si LeBron James sa lahat ng scorers na may 34 points at nagdagdag si Anthony Davis ng 33 para sa Lakers, na nabigong mainit na simulan ang regular season makaraang magtala ng 0-6 sa preseason.

Lumamang ang Lakers ng hanggang 10 at abante sa 90-89 matapos ang 3-pointer ni James, may 9:37 ang nalalabi, bago nakontrol ng Warriors ang laro sa pamamagitan ng nine-point run na nagbukas sa 98-90 advantage. Nagsalpak si Poole ng dalawang hoops at ipinasok ni Otto Porter Jr. ang isang 3-pointer sa burst.

Nakalapit  ang Lakers sa dalawang puntos sa pares ng magkasunod na okasyon, subalit sa parehong pagkakataon ay agad na sumagot ang Golden State ng 3-pointer, ang ikalawa ay mula kay Bjelica.

Umabante ang Golden State ng hanggang 12 points bago naitakas ang panalo.

Nag-ambag din sina Damion Lee (15 points) at Andre Iguodala (12) ng double-figure scoring bilang reserves para sa  Golden State, habang tumipa si Andrew Wiggins ng 12 points.

Kumalawit sina James at Davis ng tig-11 rebounds para magtala ng double-doubles para sa Lakers, na naging hosts sa kanilang Northern California rival sa Opening Night sa unang pagkakataon magmula noong 1982.

Nasa kanyang Lakers debut, bumuslo si Russell Westbrook ng 4-for-13 lamang at nalimitahan sa 8 points, 5 rebounds at 4 assists.

BUCKS 127,

NETS 104

Nagbuhos si Giannis Antetokounmpo ng 32 points, 14 rebounds at 7 assists upang tulungan ang Milwaukee Bucks na maitarak ang 127-104 panalo kontra bisitang Brooklyn Nets.

Sa four-month anniversary ng pagsibak ng Milwaukee sa Nets sa Game 7 ng Eastern Conference semifinals sa Brooklyn ay nadominahan ni Antetokounmpo ang laban.

Bumuslo ang NBA Finals MVP ng 12 of 25 mula sa field at nagpasok ng 7 of 9 free throw attempts sa 30:57 bago inilabas sa huling bahagi ng fourth quarter.

Nagdagdag si Khris Middleton ng 20 points at 9 rebounds para sa Milwaukee na bumuslo ng 45.7 percent at nagsalpak nc 17 3-pointers. Nagdagdag sina reserves Pat Connaughton at Jordan Nwora ng 20 at 15 points para sa Bucks, na nakakuha ng 45 points mula sa kanilang  second unit.

Nag-ambag si Jrue Holiday ng 12 points, subalit inilabas ang Milwaukee point guard sa second quarter dahil sa heel contusion.

8 thoughts on “WARRIORS BINITBIT NG TRIPLE-DOUBLE NI CURRY VS LAKERS”

  1. 897515 416164For anybody who is considering about external complications, sometimes be tough amaze those to realize to produce just a single weed in this quite flowing usually requires eleven liters concerning gasoline to. dc free of charge mommy weblog giveaways family trip home gardening home power wash baby laundry detergent 880277

  2. 664457 811567 An interesting discussion is worth comment. I believe that you need to write a lot more on this topic, it may not be a taboo subject but generally folks are not enough to speak on such topics. Towards the next. Cheers 195753

  3. 940769 942991Finally, got what I was searching for!! Ive really enjoying every small bit of this. Ecstatic I stumbled into this post! and also Ive bookmarked to appear at exclusive information for your weblog post. 768210

Comments are closed.