UMANGAT ang Golden State Warriors sa 2-1 kontra Memphis Grizzlies matapos ang 142-112 panalo sa Game 3 ng kanilang NBA Western Conference semifinal serie Sabado ng gabi sa San Francisco.
Mas masaklap ang pagkatalo ng Grizzlies nang magtamo si star Ja Morant ng knee injury sa huling bahagi ng fourth quarter.
Umlskor si Morant ng 34 points na may 3 rebounds at 7 assists. Nasaktan ang kanyang tuhod sa pakikipag-agawan sa loose ball sa final period.
Nabigo ang Grizzlies na mapigilan ang Warriors, na naipasok ang 63.1% ng kanilang tira, sa pangunguna ni Stephen Curry na may 30 points habang nagdagdag si Jordan Poole ng 27 mula sa bench.
Tumipa si Klay Thompson ng 21 points para sa Warriors, na may anim na players na umiskor ng double figures.
BUCKS 103,
CELTICS 101
Balik sa porma si Giannis Antetokounmpo upang tulungan ang defending champion Milwaukee Bucks na mabawi ang kalamangan kontra Boston Celtics sa Eastern Conference semifinals.
Bumawi si Antetokounmpo mula sa subpar performance sa pagkamada ng 42 points at isinalpak ang go-ahead basket, may 44.3 segundo ang nalalabi, sa 103-101 panalo. Abante ang Bucks sa best-of-seven series, 2-1, kung saan nakatakda ang Game 4 sa Lunes ng gabi sa Milwaukee.
“I know what my strengths are,” wika ni Antetokounmpo. “Just try to read what’s in front of me and just play with my instincts. Sometimes I’m going to make the right play and sometimes I’m going to make the wrong play, but as long as I play within my strengths, we’re going to be in a good place.”
Ang panalo ay hindi pa selyado hanggang makumpirma sa replays na ang potential tying putback ni Al Horford ay pumasok matapos ang buzzer.
“I saw Al tip it, and I saw the red outline go off on the backboard,” sabi ni Bucks center Brook Lopez. “It was very close.”
Nanguna si Jaylen Brown para sa Celtics na may 27 points at 12 rebounds. Nag-ambag si Horford ng 22 points, 15 rebounds at 5 assists.
Naitala ni All-Star forward Jayson Tatum ang apat para sa 19 overall at naimintis ang lahat ng kanyang three-point attempts sa pagtatapos na may 10 points.