WARRIORS, CAVALIERS LIYAMADO

cavs and warrios

PINAPABORAN ang Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers na umabante sa  NBA Finals.

Sa pananaw ng Westgate SuperBook sa Las Vegas, ang Warriors at  Cavaliers ang magsasagupa sa finals para sa ikaapat na sunod na season.

Ang second-seeded Warriors ay -185 favorites upang manalo sa top-seeded Houston Rockets sa Western Conference finals, habang ang fourth-seeded Cavaliers ay -275 favorites kontra top-seeded Boston Celtics sa Eastern Conference finals.

Ang Houston ay na­nalo ng dalawa sa tatlong regular-season meetings sa  Golden State at bahagyang paborito na magwagi sa Game 1 sa Lunes.

Kinuha ng Cleveland ang dalawa sa tatlo sa Boston, subalit ang opener sa Linggo ay nakikitang patas base sa Westgate betting line.

Tinalo ng Cavaliers ang Celtics sa limang laro sa conference finals noong nakaraang season.

Sa kasalukuyan ay ang Golden State ang liyamado para masungkit ang NBA title.

Comments are closed.